MARYTOWN and friendsÜ (the greatest cell the world has ever known)

Marytown

(click to expand map)

Ang Marytown ay may sukat na 1 hectare at 40sqm. Ito ay isang parke (Park 10) na ibinahagi ng Castro Family. Nagsimula ang Marytown bilang isang cogon area na may iilang kabahayan lamang. Puno ito ng talahib, walang ilaw, at walang tubig na mapagkukunan.(more...)

Speak Up

The Marytowners

Gabo Magno


Kieffer Ferraris


Panch Alvarez


Toni Ang


Billy De Dios


Patty Sta. Maria


Ayano Kazama


Jing Samson


Nikki Kua


Nikka Sia



April Aningalan



Benjo Raposa



Caloy Mangco



Caloy Prdo



Darling Jamero



Frida Tan


Gino



Harold Tan



Jo Santiago



Julie Alberto


KK Crisostomo



Maldz



Michael Abay


Mour Lim



Nescy Morales



Richie Yu



Teruha Nagasaki



Ynna Mortola

Being an AtSCAN
Being an AtSCAn is a passion…
…It drives you,
…moves you,
…challenges you.

It will open your eyes.
It will widen your horizons.
It will make a difference.
It will change your lives.

We know it will…

...it changed ours!!

Profile: Marytown

Tuesday, January 2, 2007
Ang Marytown ay may sukat na 1 hectare at 40sqm. Ito ay isang parke (Park 10) na ibinahagi ng Castro Family. Nagsimula ang Marytown bilang isang cogon area na may iilang kabahayan lamang. Puno ito ng talahib, walang ilaw, at walang tubig na mapagkukunan. Ngunit gumawa ng balon ang mga naninirahan dito upang may mapagkuhanan ng tubig, at lampara naman ang nagsilbing ilaw nila sa gabi, hanggang may iilang pulitiko ang tumulong para magkaroon ng Meralco at MWSS. Nagkaroon din ng samahan na siyang namumuno sa nasabing lugar.
Ang pangalang Marytown ay nanggaling sa dalawang madre na bumibisita noong 1970s na galing sa Maryknoll (na ngayon ay Miriam College na). Naging bahagi ang nasabing area ng apostolado ng mga madreng ito at ipinangalan sa kanila ang lugar.

Our Lady of Lourdes ang naging patron ng Marytown. Nagdiriwang ito ng
kanilang kapistahan tuwing ikatlong linggo ng Mayo, ngunit noong huling taon ay binago ito at ginawang Pebrero 11, na umaayon sa kapistahan ng nasabing patron. Itinama ito ng kasalukuyang kura paroko na si Padre Steven Zabala. Ayon sa kanya, ang Mayong kapistahan ay hindi umuugma sa kapistahan ng patron. Ang pagbabago na ito ay pinagkasunduan ng kura paroko ng Our Lady of Loudes at ng pamunuan ng Marytown Neighborhood Association (MNA), kasama ang mga mamamayan ng Marytown.

Karamihan sa mga taga-Marytown ay Katoliko. May mga iilang “born-again” groups din. Lima hanggang pito ang karaniwang bilang ng mga miyembro ng pamilya. Malaking porsiyento ng mga naninirahan dito ay galing sa Central Visayas (Negros, Aklan at Iloilo) at Eastern Visayas (Samar, Leyte,). Mayroon ring mga galing sa Luzon (Quezon, Pangasinan, Laguna, Pampanga, Nueva Ecija, Tarlac, Batangas, Masbate). Ang iba nama’y mga dati ng residente sa Maynila. Kaunti lang ang galing sa Mindanao (Davao, Surigao, Cagayan).

Ang pinakamatingkad na dahilan sa pagpunta sa siyudad ng mga residente ng Marytown ay ang paghahanap ng trabaho. Wala masyadong mga trabaho at mapagkakakitaan sa kani-kanilang mga probinsiya. Sa pagpunta nila ng Maynila, umasa sila na mas maraming oportunidad dito upang maghanap-buhay at kumita ng pera, upang may pangtustos sila sa pangaraw-araw nilang mga pangangailangan. Ang iba ay nakipagsapalaran upang makatulong na rin na maiahon mula sa kahirapan ang kanilang mga pamilya. May iilan na lumipat ng Maynila upang iwanan ang mga alitan sa probinsiya.
Karamihan sa mga naninirahan sa Marytown ay nakapag-asawa ng mga taga-rito nang sila ay lumipat ng Maynila. Kaya naman doon na rin sila tumira at nagpalaki ng kanilang mga anak. Mga kapamilya, kamag-anak, kaibigan, o mga katrabaho ang madalas na tumulong sa paghahanap ng matitirhan ng mga mamamayan dito. Marami rin ang dito na ipinanganak at nakikitira sa bahay ng kanilang mga kapatid o magulang na matagal nang nasa Marytown. May mga ilan rin na nangungupahan.

Noong nagkaroon ng sunog noong Abril 13, 1993 at natupok ang mga kabahayan sa Marytown, nagsimulang ilakad kay Mayor na ibigay sa mga naninirahan ang nasabing lugar. Ngunit hindi ito sinang-ayunan ng Mayor dahil sa dahilan na ito ay isang parke. Kailangang mabago muna ito tungo sa residensyal. Ang pagbabago nito ay isang mahabang proseso na kinakailangan ng pahintulot mula sa mga nakapalibot na mga subdibisyon. Napagalaman na ang mga ito ay mahigpit na tumutol. Hanggang ngayon, ang paninirahan dito ay “as is where is”.
Bago ang sunog noong 1993, masasabing nasa middle-income ang mga kalagayan ng mga tao. Marami ang napilitang magsimula sa uno dahil sa pangyayaring iyon. Ngunit ngayon ay kapansin-pansin na maraming bahay sa Marytown ang naglalaman ng mga kasangkapan tulad ng telebisyon, refrigerator, bentilador, at radyo. Dahil sa pagpasok ng Bayan Tel, marami na rin ang nagkaroon ng telepono at dagdag dito, marami-rami na rin ang may cellphone.

Maswerte ang Marytown dahil isa ito sa mga komunidad na nakakatanggap ng tulong mula sa maraming mga organisasyon. Ang ilan sa mga Non-Government Organizations (NGOs) na tumutulong ay INSA mula sa Miriam College, AtSCA at MUSMOS mula sa Ateneo, ang St. Vincent Foundation (Foster Parents), Sagip Kalinga na mga Born Again, at ang paroko ng Our Lady of Pentecost.
posted by Richie @ 1:56 PM  

AtSCA Mission

To form responsive and Christ-centered individuals possessing leadership qualities whose actions are grounded on a holistic development in terms of spiritual formation, and integration with the poor.

Leadership qualitites
-directs not imposes, team player, patient, humility, balance, open to change, initiating change, trusted, passionate, masayang namumuno, nakaakhawa, efficient, courageous, professional and friend, may takot din, critical thinker, objective, consistent, social justice advocate, may vision, strong in fath, consultative, resourceful

Holistic
-heart, mind and hands
-balanced life
-3 areas of formation: Spiritual Life, Apostolate, Social Awareness
Integration with the Poor
-when we say poor in AtSCA, it means economically poor
-we love the person who is poor, yet we fight the condition of poverty
-also, as we experiece poverty with our area friends, we are become conscious of their small concerns and how our actions deprive them of this.
-We are their companion, we are not a higher person
posted by Richie @ 1:55 PM  

AtSCA Vision

The Ateneo Student Catholic Action is a student organization which hopes to direct the growth of its members towards service for otheres based on their Christian faith and ideals, on their Filipino spirit, and on the pursuit of truth through liberal education.
"Ateneo"
- we are an Ateneo based organization
- we have the ideals of being an Atenean
- we are formed through Ignatian Spirituality

“Student”
- we are first and foremost students

“Catholic”
- we are NOT EXCLUSIVELY Catholic, rather we have the catholic ideals and values. (ie we read and study scriptures, we pray, go to mass, etc.)

“Action”
- an Ignatian form of service

“hopes”
-there is a looking forward for something long term and not necessary immediate

“growth”
-it means each member is constantly growing
-growth is always a dialectic, a two way process for the formator and member

“growth of members towares service for others"
-means we are not limited to the formation of our members, but rather it is through that formation that we are able to give back to others

“others”
- indirectly this applies to our fellowmen

“Filipino spirit”
-values of being a Filipino
-“bayanihan” = bayani + anihan
-We are courageous, we have yield what we have planted
-We have hope for our country, we are knowledgeble of our society

"Liberal Education"
-unbiased education
-education not confined in the classroom
-broad and objective/critical point of view
-we are in pursuit of truth and knowledge
-also comes from liberal theology which indicates God’s preferrential option for the poor, social justice, the rights and dignity of our fellowmen
posted by Richie @ 1:54 PM  
About Us

The Ateneo Student Catholic Action is an organization composed of young men and women unified by faith who strive for the promotion of service and social justice. It aims to give its members the fullest possible growth as responsive Filipinos through prayer, apostolate work and social awareness.
(click for AtSCA Mission)
(click for AtSCA Vision)

Recent Comments
Archives
Links
AtSCA Video